Maine Mendoza – mabenta pa ring cover girl ng mga glossy magazine

273

Manila, Philippines – Mabentang-mabenta pa rin daw ang dubsmash queen na si Maine Mendoza bilang cover girl ng ilang mga sikat na magazines.

Ito’y sa kabila ng mga bagong isyu ng ilang kakompitensyang magazines kung saan cover ang sikat na loveteam na Jadine at ang 12 Star Magic na kinabibilangan nina Kathrin Bernardo, Liza Soberano, Julia Barreto, Janella Salvador, Maris Racal, Loisa Andalio, Sofia Andres, Sue Ramirez, Alexa Ilacad, Kira Balinger, Ylona Garcia at Andrea Brillantes.

Say ng fans ni Maine, hindi nila alintana kahit sabayan ng sangkaterbang artista ang kanilang idolo.

Simula ng pumatok ang pangalan ni Maine sa showbiz, ilang big time glossy magazine na ang nagkandarapang kunin siya bilang cover girl.

Hinahangaan kasi sa dubsmash queen ang kakaibang transformation nito kapag nagsisilbing cover ng mga magazine.

 

Facebook Comments