Lolang nakikigamit ng laptop sa isang gadget store, nakatanggap ng sariling laptop mula sa good samaritan

49

Nakatanggap ng sariling laptop mula sa isang good samaritan ang lola na nag-viral dahil sa pag-gamit ng naka-display na laptop sa isang mall.

Ayon kay nanay Zenaida Tolentino, nagtatrabaho pa rin siya ngayon bilang isang insurance agent at kasalukuyan siyang nanunuluyan sa Makati City.


Nataon naman na may nakakita sakanya sa tindahan ng gadget kung saan pinapayagan siya ng mga empleyado na makigamit ng laptop.

Kasunod nito ay nakatanggap si nanay Zenaida ng sariling laptop habang labis ang pasasalamat kabilang na sa mga staff na nagpapatuloy sa kaniya.

Ayon kay nanay Zenaida, para lamang siyang nasa bahay lamang kapag nandito dahil sa pag-accommodate din sa kaniya ng mga staff.

Facebook Comments