Lolo, Arestado dahil sa Illegal na Pangangahoy!

46

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lolo matapos isilbi ng pulisya ang kanyang mandamiento de aresto sa Brgy. Poblacion Sur, Maddela, Quirino.

Nakilala ang akusado na si Francisco Abriam Sr., 78-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Divisoria Sur, Maddela, Quirino.


Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hukom Ester P. Flor ng RTC Branch 38 Maddela, Quirino, si Abriam ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o illegal logging na may criminal case # 38-912 at may kaukulang piyansa na P24,000.00.

Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers