Arestado ang isang 69-anyos na lalaki dahil sa isinilbing warrant ng Tayug Municipal Police Station (MPS) noong Martes, Enero 13.
Sa bisa ng warrant of arrest, kinasuhan ang suspek kaugnay ng paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972 o Republic Act 6539 na may itinakdang piyansa na ₱180,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Tayug MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at karampatang proseso.
Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ang mga residente na isangguni ang anumang kahina-hinalang gawain at personalidad upang mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









