Lolo, Arestado sa Kasong Pagpatay!

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng otoridad ang isang lolo na wanted sa batas matapos maaresto pasado alas 10:00 kaninang umaga sa Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ely Columbano, 81 anyos, byudo, residente rin ng nabanggit na lugar.

Si Columbano ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Br 40, Cauayan City dahil sa kasong Murder o pagpatay.


Posibleng hindi na makalabas ng kulungan ang lolo dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments