Lolo na Nanggahasa ng Sariling Apo, Arestado!

79

Cauayan City, Isabela- Arestado ng pinagsanib na pwersa ng PNP Sta Maria, Provincial Intelligence Branch (PIB) at Isabela Police Provincial Office ang isang lolo na Top 2 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela.

 

Kinilala ang akusado na si Merlito Tuppal, 63 taong gulang, may-asawa, isang trabahador at residente ng Brgy. Calamagui North, Sta. Maria, Isabela.


 

Hinuli si sa kanyang lugar sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II, ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong panggagahasa sa mismong 8 anyos na apo.

 

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 

Ayon kay PCapt Rogelio Natividad, hepe ng PNP Sta Maria, Hunyo noong taong 2019 nang mangyari ang insidente kung saan ay nadiskubre ito ng ina ng biktima matapos makitaan ng bakas ng dugo ang underwear ng kanyang anak.

 

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

 

Facebook Comments