Lolo, Arestado sa Pag-iingat ng Iligal na mga Baril at Bala!

64

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang residente sa Brgy. Mapurao, Allacapan, Cagayan matapos masamsaman ng mga iligal na baril at bala.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, sa bisa ng Search warrant na inisyu ni hukom Coleen Bautista Palapus ng 3rd MCTC Allacapan-Lasam Allacapan, Cagayan ay naaresto ang suspek na si Leonardo Asiastico, 65 anyos, laborer at residente ng naturang lugar.


Ito’y matapos makumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang (1) improvised shotgun gauge 12, isang (1) improvised Caliber 22, apat (4) na bala ng Cal 22, tatlong (3) bala ng shotgun gauge 12 at dalawang (2) bala ng Cal 38.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na isasampa laban kay Asiastico.

Facebook Comments