Lolo, Arestado sa Pagnanakaw ng Kambing!

Santiago City, Isabela- Nahaharap sa kasong Pagnanakaw ang isang lolo matapos magnakaw ng kambing kahapon, Marso 5, 2018 sa Brgy. Malvar, Santiago City, Isabela.
Kinilala ang lolo na si Raymundo Martinez Ramos, 53 anyos, may-asawa at residente ng Gamu, Isabela habang nakilala naman ang may-ari ng kambing na si Maximo Callejo Marzan, 68 anyos, retiradong pulis at residente ng naturang barangay.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng PNP Station 1 Santiago City, nakita at nagsumbong umano kay Marzan ang kanyang kapitbahay na tinangay at nilagay sa loob ng sako ni Ramos ang anak ng kanyang kambing kaya agad nila itong hinabol.
Agad naman na rumesponde ang City Mobile Patrol Group sa nangyaring insidente na nagresulta sa pagkakadakip ni Ramos at idinepensang napag-tripan niya lamang ang nasabing kambing.
Napag-alaman pa ng pulisya na positibo sa alak si Ramos.
Nasa pangangalaga na ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments