SM City Cauayan, Naglunsad ng Kids Fun Troops!

Cauayan City- Masayang inilunsad ng SM City Cauayan ang Kids Fun Troops na nilahukan ng mahigit dalawang daan na kabataan kamakaylan lamang.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng SM City Cauayan sa RMN Cauayan News Team, layunin umano ng naturang pagdiriwang na magbahagi ng kasiyahan at mabigyang oportunidad ang mga bata na makisalamuha at matutunang makipag kaibigan sa iba.

Samantala, nagkaroon naman ng iba’t-ibang presentasyon tulad ng Live Magic, Cotton Candy Making, Pagsasayaw ng Baby Shark, pakikipag selfie at pakikipag kulitan sa mga mascot.


Sa darating na Marso disi siyete ay nakatakdang magkakaroon muli ang naturang mall ng ganitong pagdiriwang upang makapagdulot pa ng saya sa mas marami pang bata mula sa iba’t-ibang lugar.


Facebook Comments