Lolo na may Patung-patong na Kaso, Arestado!

*Delfin Albano, Isabela- *Hawak na ng mga alagad ng batas ang isang lolo na matagal nang nagtatago sa batas na itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Delfin Albano, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt Ericson Aniag, hepe ng PNP Benito Soliven, nadakip ng mga otoridad bandang 7:15 kagabi sa Brgy. Babalag West, Rizal, Kalinga sa bisa ng Warrant of Arrest si Herminigildo Cariaga, 62 anyos, isang construction worker na tubong Brgy. Andarayan, Delfin Albano, Isabela at nanunuluyan sa Babalag West, Rizal, Kalinga.

Ito’y matapos ituro ng kanyang mismong bayaw na Top 3 Most Wanted Person rin ng Delfin Albano na si Rogelio Vallente, may kasong Frustrated at Attempted Homicide si Cariaga na may patung-patong na kaso.


Si Cariaga ay nahaharap sa kasong Pagpatay na walang inirekomendang piyansa, paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, dalawang (2) beses na paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms *and *Ammunition Regulation Act” na may kabuuang piyansa na P320,000.00, at kasong Resistance and Disobedience to Person’s in Authority na may kaukulang piyansa na P2,000.00.

Dinala na sa himpilan ng PNP Delfin Albano ang nahuling akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments