Pamilya ng pinay na pinaslang ng kaniyang mister at inilagay sa freezer, nais maiuwi ang labi nito sa Bayambang Pangasinan

Nais ng pamilya ng pinay na pinaslang at iniligay sa freezer sa Texas USA ng kaniyang asawang Amerikano na maiuwi ng matiwasay ang labi nito sa Pilipinas.

Sa mensaheng ipinadala ng kapatid ng biktimang si Allysa Marie Rogers sa IFM Dagupan, ayaw na muna nilang magsalita ng kung ano man ukol sa issue ngunit nais lamang nilang maiuwi ng maayos ang labi ng kaniyang ate sa Bayambang Pangasinan.

Ayon sa report nais umanong makipag divorce ng biktima sa kadahilanang sinasaktan siya nito.


Sa post naman sa facebook ng kaibigan ni Allysa umapela ito na huwag husgahan ang biktima sapagkat may mga pamilya itong nasasaktan matapos ang insidente.

Photo Credit: Google

Facebook Comments