
Sugatan ang isang 81-anyos na pedestrian at isang 38-anyos na motorcycle rider matapos ang salpokan sa Laoac, Pangasinan.
Ayon sa paunang imbestigasyon, naglalakad ang matandang lalaki sa shoulder ng kalsada, nang aksidenteng mabangga siya ng isang motorsiklo, na minamaneho ng isang magsasaka mula Binalonan.
Dahil sa impact, parehong natumba sa kalsada ang rider at ang pedestrian at nagtamo ng mga pinsala sa katawan. Agad silang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan para sa agarang lunas.
Patuloy na pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga motorista at pedestrian sa kahalagahan ng pag-iingat lalo na sa gabi, upang maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









