Lolo na Nanggahasa at may Patung-patong na Kaso, Pinagpapiyansa ng 3.7 Milyong Piso!

San Mariano, Isabela – Umaabot sa 3.7 milyong piso ang nairekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng isang lolo dahil sa patung-patong na kaso nito maliban sa kasong panggagahasa kamakailan sa batang biktima na may kakulangan sa pag-iisip.

Ang tinaguriang top most wanted person sa lalawigan ng Isabela na natimbog ng mga otoridad kahapon ay kinilalang si Rufino Salvador Bular, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Zone 3, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Fedimer Quitevis, hepe ng San Mariano Police Station, sinabi nito na ang pagkakahuli kay Bular ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 18 City of ilagan dahil sa dalawang beses na kasong panggagahasa, 9 counts ng kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abused na ipinalabas ng RTC Branch 18, 9 counts rin na kasong Child Abused mula sa RTC Branch 17 City of Ilagan na may piyansang 3.6 milyong piso at Attempted Rape mula sa RTC Branch 17 City of Ilagan na may piyansang Php120,000.00.


Sinabi pa ni Police Chief Inspector Quitives na pamangkin umano ng asawa ni Bular ang naging biktima na naganap pa noong taong 2016 hanggang sa taong kasalukuyan.

Samantala ang akusado ay kasalukuyan nakapiit na sa Isabela Provincial Jail, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Facebook Comments