Lolo na Wanted sa Batas, Natimbog ng mga Otoridad!

*Ramon, Isabela- *Nahuli na ng mga alagad ng batas ang 61 anyos na lolo na matagal nang wanted sa batas matapos silbihan ng Warrant of Arrest sa Brgy. Bantug, Ramon Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alejo Ramirez na residente ng Brgy Ungib, San Quintin Pangasinan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, matagumpay na naaresto ng mga kasapi ng San Quintin Police Station at PNP Ramon, Isabela si Ramirez sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Rusty Naya ng RTC Branch 51 Tayug, Pangasinan dahil sa kasong Frustrated Homicide.


May inirekomendang piyansa ang korte na P24,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Nakatakda namang dalhin ng mga otoridad ang akusado sa court of origin nito.

Facebook Comments