Lolo, Namatay Habang Nakasakay ng Bus!

916

Cauayan City, Isabela- Hindi na nagising ang isang lolo matapos itong bawian ng buhay habang sakay ng isang pampasaherong bus bandang 9:45 kaninang umaga.

Kinilala ang nasawi na si Bonifacio Turqueza, 70 anyos, byudo at residente ng Brgy. Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas 10:00 kagabi nang sumakay ang biktima sa isang pampasaherong bus sa Metro Manila at nang makarating sa Lungsod ng Ilagan ay napansin na lamang ng anak nito na si Victoria Ariola na hindi na humihinga ang kanyang ama.

Una na umanong napansin ng anak nito habang sila’y nakasakay ng bus na hindi kumikibo ang ama subalit hindi lamang nito binigyan ng atensyon.

Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Facebook Comments

From Advertisers