Magsasaka, Nagbigti-Patay!

442

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos nitong kitilin ang mismong sarili sa Brgy. Malitao Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Peejay Balo, 32 anyos, may-asawa, magsasaka, at residente ng Purok 3. Brgy. Malitao, Echague, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, batay sa imbestigasyon ng pulisya, bumulaga sa 11 anyos na anak ng biktima ang nakasabit na katawan ng kanyang tatay gamit ang nylon cord sa loob ng kwarto nito.

Agad na humingi ng tulong ang anak ng biktima sa lolo nito kaya’t agad na pinutol ang nylon na ginamit ng biktima.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, posible umano na nakainom ng alak ang biktima nang ito ay magbigti.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Facebook Comments