Lolo nasagasaan ng tricycle, itinapon sa damuhan

378

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang matandang lalaki sa Quezon City matapos itapon sa talahiban imbis na isugod sa opital nang mabangga ito ng tricycle.

Kumakalat ngayon sa social media ang footage kung saan nakuhanang nabangga ng tricycle ang biktimang kinilalang si Arturo Delos Angeles, 62-anyos.

Nangyari ang aksidente bandang alas-5 ng umaga, sa Soliven, Litex Commonwealth.

Matapos ang aksidente, nagkumpulan ang mga tao at maya-maya ay umalis ang tricycle sakay sakay na ang biktima.

Ayon sa uploader, nagsabi raw ang tricycle driver na nakabangga na siya na lang ang magdadala sa matanda sa ospital.

Pero imbis na sa ospital matagpuan, nakita ang nag-aagaw buhay na matanda sa damuhan kalapit ng subdivision, wala pang isang oras mula nang mangyari ang aksidente.

Nanawagan ang uploader na si Dhen Valenzuela at mga naiwang kamag-anak ng biktima sa kung sino mang nakakaalam o nakakakilala sa tricycle driver.

Facebook Comments

From Advertisers