TIGNAN: Otso Diretso mini reunion

985
Image via Facebook/Kiko Pangilinan

Kamakailan, muling nagsama-sama ang ilang Otso Diretso senatorial candidates kasama sina Vice President Leni Robredo at Senador Antonio Trillanes.

Sa litratong ibinahagi ni Senador Kiko Panginilinan, mababasa ang caption na “parang reunion.”


Sa isa pang post, makikita ang larawan ng mga kandidato kasama ang volunteers ng nasabing partido.

Base sa mga caption at comments, isa itong organized fellowship dinner para sa Makinig volunteers na tumulong sa kampanya ng Otso Diretso nitong nakaraang halalan. Ilan sa kanila ay ay nag door-to-door, nag-design ng iba’t-ibang election paraphernalia, nag-flyering at patuloy na pinag-aaralan ang source code review para himayin ang resulta ng botohan.

Mensahe ng Liberal Party at nasabing grupo, tuloy pa rin ang pagbabantay at pagtulong sa isa’t-isa kahit tapos na ang eleksyon.

Facebook Comments

From Advertisers