LOLO, NASAWI MATAPOS MABANGGA NG VAN ANG MINAMANEHONG TRICYCLE

Nasawi ang isang 61-anyos na lolo matapos masangkot sa isang aksidente sa sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Resurreccion, San Juan, Ilocos Sur.

Batay sa CCTV footage na nakalap ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kaniyang tricycle nang mabangga ito sa kanyang likuran ng isang van.

Dahil sa insidente, nagtamo ng matinding pinsala ang drayber ng tricycle na agad sinugod ospital ngunit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Ligtas naman ang drayber ng van at mga sakay nito. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments