Lolo, Patay sa Pamamaril!

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas syete kagabi sa Brgy. San Antonio, Cabagan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Gaudencio Uy, 63 anyos, magsasaka, may-asawa at residente ng Brgy. San Antonio, Cabagan, Isabela.

Batay sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang umiinom ng alak sa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang misis nito ay biglang dumating ang suspek at basta na lamang pinagbabaril ng maraming beses si Gaudencio.


Agad na binawian ng buhay ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa pagresponde ng mga otoridad ay narekober sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng M16 Riffle.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP Cabagan hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments