Namatay sa kalagitnaan ng pakikipag talik ang isang lolo sa bayan ng Manaoag.
Ang biktima na isang otsentay tres anyos. Ito ay pumasok sa isang Inn sa nasabing bayan pasado alas dose ng tanghali kasama ang kalaguyo nito na isang trentay uno anyos, at may live in partner din.
Lumalabas sa imbestigasyon na nasa kasagsagan na sila ng pagtatalik pasado alas dos ng Hapon ang dalawa ng bigla umanong nahirapang huminga ang biktima base na din sa salaysay ng katalik nito.
Dito na humingi ng tulong ang ginang sa mga trabahador ng Inn at dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklarang Dead on Arrival.
Napag alaman na may asawa ang biktima habang ang katalik nito ay may kinasama din at pareho silang residente ng nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments