KAUNA UNAHANG DIGITAL POSTER MAKING CONTEST NG BFP PANGASINAN, ISINAGAWA

Bilang selebrasyon sa ika-32 anibersaryo ng pagseserbisyo ng Bureau of Fire Protection Region 1, nagsagawa ang BFP Pangasinan ng kauna unahang digital poster making contest na may temang, “Modernong Bumbero: Kaakibat Tungo sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”.
Umabot sa 48 na entry ang lumahok sa nasabing digital poster making contest na nakapost ngayon sa official Facebook page ng BFP Pangasinan at kung sino ang may pinakamaraming like and share reaction ay siyang tatanghaling panalo sa patimpalak.
Samantala, magsasara ang voting lines ng lahat ng entry sa oras na 12 ng tanghali, August 28, 2023.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng kanilang organisasyon at kaalaman para sa nakararami ng kanilang layunin o misyon para sa komunidad. |ifmnews
Facebook Comments