Lolo sa San Pablo, Isabela, Patay Matapos Mabangga ng Van!

*San Pablo, Isabela- *Dead on Arrival (DOA) ang singkwenta’y kwatro anyos na lolo makaraang mabangga ng isang Van sa brgy. San Jose, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang lolo na biktima na si Domingo Paguigan Cabaccan, byudo at residente ng brgy. Ugad, Cabagan, Isabela habang ang suspek naman na drayber ng van ay kinilalang si Leonardo Baggayan Parallag, kwarentay tres anyos at residente ng brgy. Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Jojo Turingan, ang hepe ng PNP San Pablo, binabaybay umano ng suspek ang national highway ng brgy. San Jose patungong Tuguegarao City nang bigla umanong tumawid ang biktima at nahagip ng sasakyan na minamaneho ng suspek.


Isinugod pa sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklarang DOA na ito ng kanyang attending physician.

Kaugnay nito ay napagkasunduan na kahapon ng magkabilang panig na sasagutin na ng suspek ang lahat ng mga gastos para sa pagpapalibing sa biktima.

Samantala, Patuloy pa rin umano ang kanilang isinasagawang kampanya kontra iligal na droga at pagtutok sa mga magsasaka na umano’y laging lumalaklak ng nakalalasing na inumin.

Facebook Comments