Lolo, Sugatan Matapos Maaksidente!

23

*Luna, Isabela-* Sugatan ang isang lalaki makaraang maaksidente lulan ng kanyang motorsiklo ganap na 10:40 kaninang umaga sa pambansang lansangan ng Brgy. San Miguel, Luna, Isabela.

Kinilala ang sugatan na si Daniel Juan, 67 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng Luna Police Station, binabagtas ng biktima ang daan patungo sa Bayan ng Cabatuan nang aksidente itong sumalpok sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Ronald Tangunan Domingo, 63 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Pulay, Luna, Isabela.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima para sa kaukulang lunas.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya si Tangunan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments