VIRAL: Alitan ng motorista at lolong nagbibisikleta, nauwi sa sakitan

268
Screenshot captured from JaneYks Datdalat Onires Chezsan video on Facebook.

Naging viral sa social media ang video ng pagtulak ng isang motorista sa matandang nagbibisikleta na kaniyang nakaalitan.

Sa bidyong ibinahagi ni Facebook user JaneYks Datdalat Onires Chezsan, makikitang bumaba sa puting SUV ang lalaking drayber at biglang dinuro ang matandang nagbibisikleta.


Nagkaroon ng matinding pagtatalo ang dalawa hanggang nauwi na ito sa tulakan.

Agad tinulungan ng ilang saksi ang lolong sumusubsob sa kalye at pilit na inaawat ang nanggagalaiting motorista.

Giit pa ng drayber na nasa viral video, pinapagalitan siya nito kahit hindi sila magkarelasyon.

Batay sa komento ng ilang netizens, nangyari umano ang alitan sa Pilar Village, lungsod ng Las Piñas.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung anong pinag-ugatan ng pagtatalo ng dalawang katao.

Hindi pa din tukoy kung kailan at sino ang orihinal na kumuha ng video.

Inaalam na ng kinauukulan ang pagkakakilanlan ng mga nasa viral video.

Facebook Comments

From Advertisers