Isang 62-anyos na magsasaka ang nasawi matapos masagasaan ng isang kotse habang tumatawid sa Brgy. Maseil-Seil, Umingan, bandang 8:55 ng gabi noong Oktubre 7, 2025.
Batay sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng isang kotse ang nasabing kalsada nang bigla umanong tumawid ang biktima. Hindi ito agad napansin ng driver, dahilan upang mabangga ang biktima.
Isinugod pa sa Umingan Community Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Nasa kustodiya na ng Umingan Police Station ang driver at sasakyan para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









