Labing siyam katao, patay sa nangyaring tatlong sunod na pagsabog sa Afghanistan

World – Patay ang 19 katao habang 90 ang sugatan sa tatlong pagsabog Sa Kabul, Afghanistan.

Napag-alamang inatake ng mga suicide bomber ang lamay ng lalaking namatay sa protesta noong Biyernes sa Tapa Marshal Fahim Cemetery sa Sarai Shamali Area Kabul.

Maalalang noong Biyernes, tinungo ng mga nagpo-protesta ang mga kalye sa Kabul para kondenahin ang security failures sa lugar matapos ang nangyaring pagsabog noong miyerkules na kumitil sa buhay ng 90 katao.


Dahil dito, nagbabala ang mga opisyal sa naturang bansa na iwasan muna ang mga kilos protesta dahil posible umano silang atakihin ng mga militanteng grupo.

Sa ngayon, mas pinaigting ang seguridad sa Kabul sa pamamagitan ng mga itinayong checkpoint sa central kabul habang nagpapatrolya naman ang mga armoured vehicle sa mga lansangan.

DZXL558

Facebook Comments