Long-delayed 2019 budget, posibleng mapirmahan ni PRRD bago ang Holy Week

Manila, Philippines – Posibleng mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagal na naantalang 2019 national budget bago ang Holy Week break sa susunod na linggo.

Nabatid na ipinasa ng Kongreso ang approved at ratified ₱3.757 trillion budget nitong March 26 matapos ang ilang buwang hindi pagkakasundo ng mga senador at kongresista hinggil sa sinasabing pork barrel insertions at realignments.

Pero sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles – mayroong i-ve-veto ang Pangulo sa ilang bahagi ng Appropriations Bill.


Hindi naman tiyak si Nograles kung kabilang dito ang 75 billion pesos pork barrel na isiningit.

Dahil sa ilang buwang naantala ang budget, hihingi ang executive branch ng joint resolution mula sa mga susunod na mga miyembro ng Kongreso na palawigin ang validity ng 2019 budget lagpas sa itinakdang fiscal year nito upang mapabilis ang pagpapatupad ng infrastructure projects.

Aminado si Nograles na ilan sa mga proyekto ng administrasyon ay nadiskaril dahil sa delay approval ng 2019 budget.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya lalagdaan ang budget kung may mga probisyong unconstitutional ng Korte Suprema.

Facebook Comments