Cotabato, Philippines – Ang nakikitang longterm solution para matuldukan ang terorismo sa Mindanao ay nakasalalay satagumpay ng Bangsamoro Peace Process.
Ayon ito sa pahayag ni Western MindanaoCommand Chief, Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr. Si Gen. Galvezang namamahala sa kampayan laban sa teroristang grupo sa amalawak na bahagi ng Mindanao.
Sinabi nito na ang buo ang suporta ngmilitar sa peace agenda ng Duterte Administration partikular angimplementasyon ng peace agreements na nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas, MoroIslamic Liberation Front(MILF) at Moro National Liberation Front(MNLF).
Ang kalalabasan ng peace process ay maydirektang kaugnayan sa problema sa terorismo.
Kamakailan lamang nang makipagtagpo siya saibat ibang moro fronts kung saan ipinaabot ng mga ito sa kanya na angterror group sa Mindanao ay sinasamantala ang pagkakaantala ngimplimentasyon ng political track ng peace agreements.
Long term solution para matuldukan ang terorismo sa Mindanao, nakasalalay sa tagumpay ng Bangsamoro Peace Process
Facebook Comments