LOOK: Bb. Pilipinas candidates in their alluring national costumes

Image via Facebook/Binibining Pilipinas

IPINAKITA kahapon ng Binibining Pilipinas Organization ang mga national costumes ng kanilang 40 kandidata. Ito ay sumisimbolo sa iba’t-ibang kultura ng bansa.

Karamihan sa mga kahalok, Filipiniana pa rin ang piniling suotin dahil nagbibigay kahulugan ito sa pagiging dalagang Pilipina. Ang iba sa kanila, tribal prints ang disenyo ng damit na kumakatawan sa mga pangkat etniko ng bansa. Agaw pansin rin ang mandirigmang damit na nagpapakita ng pagiging matapang ng isang babae.

Mapapanood ang National Costume competition sa darating na Mayo 29 na gaganapin sa New Frontier Theater, Quezon City.


Pag-aagawan ng 40 kandidata ang korona ng Miss Universe, Miss International, Miss Intercontinental, Miss Globe, Miss Supranational, at Miss Grand International. Pumunta sa Araneta Coliseum sa Hunyo 9 para masaksihan ang coronation night ng Binibining Pilipinas.

Facebook Comments