Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ng City Drug Enforcement Unit kagabi ang shabu na nagkakahalaga ng 2.5 million pesos sa Burgos St,Tacloban City.
Ayon sa Tacloban City Police Office, kinilala ang suspek na si Julius Katangkatang, 35 anyos, may asawa at residente sa Brgy. San Roque, Jaro Leyte.
Napag alaman pa ng RMN News team na itong si Katangkatang ay dating empleyado ng PDEA Region 8.
Base sa report ng Tacloban PNP, nakakatanggap na sila ng intel reports na ang suspek ay nagsasagawa ng illegal drug trade sa Syudad kaya naman nagsagawa din ng buy bust operation an mga otoridad.
Nabili ng poseur buyer ng PNP sa suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,000.00.
Matapos maaresto nakuha at nasabat pa ng mga otoridad ang anim na malalaking sachet na hinihinalang shabu sa kanyang possession na nagkakahalaga naman ng 2.5 Million pesos.
Narecover pa galing sa suspek ang P10,000.00 na ginamit na buy bust money.
Sa ngayon, si Katangkatang ay temporaryo na nakakulong sa Tacloban PNP lock-up cell at nahaharap sa kaso sa bayolasyon ng sale, possession, at possession of drug paraphernalia sa ilalim ng Dangerous Drugs Act of 2002.
LOOK: P2.5M halaga ng shabu, nasabat sa Tacloban City
Facebook Comments