LOOK | World War 2 Bomb, nadiskubri sa isang eskwelahan sa Zamboanga City!

Sa ulat ni RadyoMaN Bhong Simbajon:
Nadiskubri ng mga construction workers ang drop bomb na ito na may bigat na 250 pounds sa Boalan Elementary School nitong hapon.
Ayon kay SPO2 Rubio ng Bomb Squad, isang 250 pounder World War 2 Drop Bomb ang natagpuan sa construction site na may isang metro ang haba at isang talampakan naman ang lapad. Posible pa umanong sumabog ang nadiskubring bomba kung sakaling matamaan o maggalaw ang “primer” dahil aktibo pa ito.
Para sa kompletong impormasyon, basahin dito: rmn.ph/bomba-ya-recuvri-na-un-skwela/
Photo Source: RadyoMaN Bhong Simbajon of DXRZ 900 Zamboanga






Facebook Comments