Loose Break-Strikes Again!

160

Baguio, Philippines – Idol, ugaliin I-check ang breaks ng sasakyan bago bumiyahe.

Isang trahedya na naman ang naging sanhi ng traffic sa Bokawkan Road Baguio city dahil sa pagkawala ng break ng isang truck at nandamay ng Pitong sasakyan.

Patong patong na problema ang haharapin ng driver at may ari ng truck sa pangyayari. Ayon sa mga naka-saksi ng nasabing insidente wala namang nasaktan o nasugatan, pero sa damage na natamo ng Pitong sasakyan lalo na ang mga private vehicle na nadamay sa pangyayari ay talagang sasakit ang ulo ng may ari ng truck sa laki ng gagastusin nito sa pag papaayos ng mga nadamay na sasakyan.

Maging aral sana ito sa ating lahat lalo na sa mga driver na ugaliing mag check ng sasakyan lalo na ang break bago bumiyahe.

Ikaw Idol, paano ba maiiwasan ang ganitong aksidente?

Facebook Comments