PUMALPAK | MRT-3, nagka-aberya

Manila, Philippines – Matapos ang dalawamput pitong araw na walang aberya, napilitang magbaba ng isang libong pasahero ang isang tren ng Metro Rail Transit-3.

9:13 kanina nang hindi na naman magsara ang pintuan ng isang tren sa southbound ng Araneta Center-Cubao station.

Agad naman nailipat sa sumunod na tren ang mga pasahero pagkalipas ng anim na minuto.


Dahil dito, muling nagbabala ang MRT-3 management sa mga pasahero na huwag sandalan at sapilitang buksan ang pintuan ng tren para makaiwas aberya.

Facebook Comments