Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa isinagawang command conference, pinulong ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang mga regional director at unit heads para magbaba ng direktiba hinggil sa papalapit na eleksyon.
Ayon kay Acorda, mahigpit nilang tinututukan ang accounting ng loose firearms na posibleng magamit sa krimen.
Base sa datos ng PNP, nasa halos 19,000 police at military personnel ang hindi pa nakakapag-renew ng kanilang lisensya ng baril.
Maliban dito, mahigpit din ang monitoring ng PNP sa mga threat groups tulad ng mga private armed groups, criminal gangs at iba pa.
Samantala, sinabi rin ni Acroda na pinapa-account niya ang mga most wanted person lalo na ang mga sangkot sa murder at iba pang karumaldumal na krimen.
Sa pamamagitan kasi nito ay mas madaling matutukoy ang areas of concern na siya namang tatalakayin nila sa mga susunod na joint meetings kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Commission on Elections (COMELEC).