Mga nasunog na PhilSys IDs, mapapalitan na ngayong Hunyo ayon sa PSA

Inaasahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ngayong June ay maipalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Philippine Postal Corporation o PhilPost ang National IDs na kapalit ng mga nasunog kamakailan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Fred Sollesta, Deputy National Statistician ng PSA na naipasa na nila sa BSP ang mga impormasyon at data ng mga nasunog na ID.

7500 na IDs aniya ito na pawang mga taga-lunsod ng Maynila.


Ayon kay Sollesta, posibleng ngayong Hunyo ay mai-release na ito sa PhilPost para agad ding mai-deliver sa mga nagmamay ari.

Facebook Comments