Loren, pasok sa Top 4 sa Pulse Asia at SWS senatorial surveys

Namamayagpag pa rin si three-term Senator Loren Legarda sa Top 4 sa pinakahuling Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) survey.

 

Sa latest Pulse Asia survey na isinagawa noong October 28 hanggang Nov. 1, nakakuha si Legarda ng 50% o nadagdagan pa ang boboto sa kaniya ng 2.8% mula sa Rank 7 na may 47.2% sa naunang survey noong September 2021.

 

Samatala sa SWS senatorial preferences survey noong October 20 hanggang 23, matatag si Legarda sa Number 4 slot na nakakuha ng 45% ng 1,200 respondents.


 

Noong 2007 elections, naitala ni Legarda ang 62.7% sa senatorial votes, pinakamataas na porsyentong nakuha niya sa lahat ng senatorial elections simula noong 1998 hanggang 2019.

 

Bilang three-term senator, si Legarda ang nagsulong ng mga batas na siyang naggagamit ngayon ng gobyerno sa pagtugon at pagtulong sa mga kababayan nating pinadapa ng pandemya.

 

Nagpapasalamat naman si Legarda sa mga Pilipinong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kaniyang hangarin na muling maglingkod bilang senador.

Facebook Comments