WALONG LUGAR SA PANGASINAN, COVID-19 FREE NA

Walong lugar sa Pangasinan ang wala ng aktibong kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng Alaminos City, Alcala, Balungao, Binalonan, Infanta, Dasol, Mabini at Sto. Tomas.

Sa datos ng Provincial Health Office, mayroon na lamang 258 na lamang na indibidwal ang sumasailalim sa quarantine upang magpagaling sa sakit.


Sa kabuuan nasa 35, 273 ang naitalang COVID-19 cases sa Pangasinan, 1, 188 ang nasawi at 33, 827 ang gumaling.

Nangunguna sa Provincial Health Watchlist ang Bolinao na mayroong 20 kaso, 18 sa Lingayen at ang Malasiqui na mayroong 16 kaso ng sakit.###

Facebook Comments