Los Angeles Lakers, muling nanalo sa NBA

NBA – Bumangon ang Los Angeles Lakers mula sa 19-point deficit para ilampaso ang Chicago Bulls, 103-94.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng purple and gold sa matapos nilang talunin ang Denver Nuggets sa huli nilang laro.

Sumandal ang Lakers kina Kentavious Caldwell-Pope at Brandon Ingram sa 4th quarter para makuha ang come-from-behind win.


Umiskor ng 22 points si Kyle Kuzma para pangunahan ang Lakers habang may 21 na naman si Caldwell-Pope.

Nanguna naman sa Bulls si Denzel Valentine sa kaniyang 17 points.

Facebook Comments