Pagtaas ng presyo ng biliihin dahil sa Tax Reform Bill, ibinabala ni Senator Bam Aquino; Pero Senator Angara, tiniyak na magiging pro-people ito

Manila, Philippines – Nagbabala si Committee on Ways and Means Vice Chairman Senator Bam Aquino na mauuwi ang panukalang reporma sa buwis sa mas mataas na presyo ng pangunahing bilihin at iba pang serbisyo.

Ayon kay Aquino, kapag naisabatas na ito ay tiyak tataas ang bilihin at magdudulot ito ng pasakit sa maraming Pilipino.

Pagtiyak naman ng chairman ng komite na si Senator Sonny Angara, magiging pro-people ang ipapasa nilang batas.


Sa ngayon ay nasa period of amendments na ang panukala at 14 na mga senador ang nagsumite ng nais nilang pagbabago sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Diin naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sa period of amendments ay gagawin nila ang fine tuning o pagbabago para maiayos at mapabuti ang bawat probisyon nito.

Facebook Comments