Los Angeles Lakers, tinalo ang Phoenix Suns sa Game 3 ng best-of-seven series

40

Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang 2-1 lead sa Game 3 ng best-of-seven series kontra Phoenix Suns sa Western Conference Playoffs.

Sa iskor na 109-95, wagi ang lakers sa pangunguna ni Anthony Davis na kumamada ng 34 points at 11 rebounds.


Nag-ambag naman ng 21 puntos si Lebron James at 20 puntos si Dennis Scroder.

Samantala, nasilat din ng Denver Nuggets ang Game 3 kontra Portland Trail Blazers, 120-115.

Pinangunahan ni Nikola Jokic ang Nuggets na may 36 points, 10 rebounds at 5 assists.

Facebook Comments