Ronnie Liang, lisensyadong piloto na!

97

Lisensyadong piloto na ang Original Pilipino Music (OPM) singer na si Ronnie Liang na kaniyang ibinahagi sa social media.

Ayon sa post ni Ronnie, natupad na ang pangarap ng singer noong Grade 4 na maging piloto.


Say pa ni Ronnie, nakuha na niya ang kaniyang Private Pilot License (PPL) matapos ang mga gabing pag-aaral at maraming oras ng training sa paglipad.

Nag-umpisang mag-aral ng piloto si Ronnie noong Oktubre 2018 at solo flight sa Subic ng 2019.

Sumailalim din ang singer sa military training sa Tarlac at training course para sa mga external threats.

Facebook Comments