Los Angeles man, araw-araw sumasakay ng eroplano papasok sa trabaho

42

Los Angeles – Ikaw ba ‘yung tipo ng taong laging inirereklamo ang araw-araw na biyahe papasok at pauwi galing trabaho?

Maswerte ka pa dahil alam mo ba, isang lalaki mula Los Angeles ang araw-araw pang sumasakay ng eroplano makarating lang on-time sa San Francisco!

Nagtatrabaho bilang mechanical engineer sa San Francisco-based tech company si Curt Von Badinski.

Para kay Badinski, sisiw na lang ang anim na oras na biyahe niya pero mabigat aminadong mabigat sa bulsa ang mahigit 116-libong pisong monthly fee niya sa pagsakay sa single-engine commuter plane.

Kaya para hindi sayang ang oras na iginugugol niya sa biyahe, kinakausap daw niya ang mga kapwa niya pasahero para hikayating makipagnegosyo sa kanila.

Facebook Comments