Los Angles Head Coach Luke Walton, inalis na

77

Inalis na bilang Head Coach ng Los Angeles Lakers si Luke Walton.

Ito ay matapos mabigo ang koponan na makapasok sa NBA playoffs sa loob ng anim na taon.

Nagpasalamat naman si Lakers General Manager Rob Pelinka kay Luke sa pagiging coach nito ng koponan ng tatlong taon.

Nabatid na nagsilbi nang dalawang season si Walton at naging susi sa pagkuha ng koponan kay Lebron James.

Labis naman ang pasasalamat ni Walton kay Team Owner Jeanie Buss.

Posible namang pumalit kay Walton si dating Cleveland Cavaliers Coach Tyronn Lue.

Facebook Comments