Love Lock Marker inilunsad sa SJDM; LGU planong ipakilala ito bilang UNESCO Creative City

Kasabay sa nalalapit na araw ng mga puso at upang may palagiang paalala sa lahat na sa kabila ng kaguluhan sa mundo, nangingibabaw ang kapayapaan, pagmamahal, at pagdamay sa isa’t-isa, inilunsad sa San Jose del Monte, Bulacan ang hugis pusong istraktura na magsisilbing “love lock”.

Pinangunahan nina Congresswoman Florida Robes at Mayor Arturo Robes ang pagpapasinaya sa “Love Lock Marker”.

Ang marker ay matatagpuan sa Barangka Road sa Barangay Paradise 3 sa San Jose del Monte, Bulacan.


Ang Paradise 3 ay bulubunduking bahagi ng San Jose del Monte, Bulacan tanaw ang makabuntong-hiningang skyline ng Metro Manila at iba pang mga kalapit lungsod at munisipalidad.

Mula sa bundok ay tanaw ang kalapit na Padre Pio Pilgrimage na matatagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan, at ang tanyag na krus na nakatayo sa Mt. Samat sa Bataan.

Ninanais ng mag-asawang Robes na makilala ang San Jose del Monte, Bulacan bilang bahagi ng UNESCO Creative Cities Network (UCCN).

Facebook Comments