Snatcher, binugbog ng taumbayan matapos hablutin ang pitaka ng estudyante

310

Kinuyog ng taumbayan ang isa umanong snatcher matapos pagnakawan ng pitaka ang isang babae sa Brgy. 469, Sampaloc, Manila.

Naabutan ng mga concerned citizen si Christian Correa makaraang marinig ang sigaw ng biktima habang hinahabol ang magnanakaw.


Ayon sa biktima, bibili dapat siya ng pagkain kasama ang pinsan nang hablutin ng suspek ang wallet niya sa kahabaan ng España Avenue.

Nang maispatan ng EX-O na si Albert Acuestas ang papatakas na snatcher, agad siyang kumuha ng yantok at hinampas ang binti nito. Pinatid din ng isang residente si Correa dahil para bumagsak at maging iika-ika sa pagtakbo.

Sa kabila ng sinapit, sinubukan pa din ng katawan na umeskapo subalit nakorner at ginulpi na siya ng taumbayan. Agad siyang nadala sa presinto sa tulong ng isang tricycle driver.

Idinepensa ni Correa na gipit lamang siya kaya nagawa ang krimen.

Todo-pasasalamat naman ang biktima sa mga taong tumulong sa kaniya. Nasa loob daw kasi ng pitaka niya ang allowance para sa ginagawang pagre-review sa darating na Pharmacy Licensure Exam sa Abril.

Facebook Comments