LOW BLOOD PRESSURE | Former U.S President George H.W. Bush, muling isinugod sa ospital

Amerika – Isinugod sa ospital si dating U.S. President George H.W. Bush matapos makaranas ng low blood pressure at fatigue.

Si Bush sa edad na 93 ang pinakamatandang nabubuhay na dating Pangulo ng Amerika.

Ayon kay Jim Mcgrath, family spokesperson, mananatili si Bush sa Maine Health Care sa mga susunod na araw para sa obserbasyon.


Nabatid na ilang beses nang isinugod sa ospital ang dating Pangulo.

Si Bush ay tatay ng dating Republican President George W. Bush.

Facebook Comments