NAGKITA NA | Mga opisyal ng Estados Unidos at North Korea, nagpulong na para sa posibleng U.S-North Korean Summit

Nagkita na ang mga opisyal ng Estados Unidos at North Korea bilang paghahanda sa posibleng North Korea-U.S Summit.

Ito ay kasunod ng pahayag ni North Korean Leader Kim Jong-un mapagtibay muli ang kanyang commitment na makipagkita kay U.S President Donald Trump.

Ayon kay U.S. State department Spokesperson Heather Nauert, patuloy ang ongoing talks kasama ang mga opisyal ng Pyongyang para sa ihanda ang pagpupulong nina Trump at Kim.


Una nang sinabi ng White House na mayroon nang advance team ang tumungo sa Singapore para asikasuhin ang logistics para sa nakatakdang summit.

Facebook Comments