Low Pressure Area, inaasahang papasok ng bansa pagkatapos ng Pasko

Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa December 26 o December 27, 2021 ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa bahagi ng Pacific Ocean.

Ayon sa PAGASA, nasa 60 percent hanggang 70 percent ang tiyansa na maging bagyo ito.

Posible rin itong lumapit sa kalupaan ng Mindanao sa Miyerkules ng gabi, December 29 o sa Huwebes ng umaga, December 30.


Facebook Comments