
Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na stable o nananatiling matatag ang bansa sa aspetong pangseguridad.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla solido ang kanilang hanay at nananatiling tapat sa konstitusyon.
Hindi aniya sila magpapadala sa ingay ng pulitika.
Kasunod nito, sinabi ni Padilla na hindi na kailangan pa ng “loyalty check” sa kanilang hanay.
Matatandaan na kahapon, sinabi ni Vice President Sara Duterte na “unstable” ang gobyerno sa ngayon sa gitna ng mga isyu ng katiwalian na agad namang kinontra ng Malakanyang.
Facebook Comments









